Ang Sigaw sa Nakabibinging Katahimikan
Ang kasalukuyan ay tahimik, tahimik mula sa sigaw ng mga bayaning may puso ng katapangan at pagmamahal sa sinilangan. Ang pagsilang sa kapayapaan ang nagbigay ng nakabibinging katahimikan. Ano nga ba itong kapayapaang ating tinatamasa, ang pangarap o isang ilusyon? Totoo nga bang ang mga bayaning minsan nang tumapak sa Perlas ng Silangan ay mananatili na lang na mga pinagpipitagang inukit na larawan ng nagdaan mula sa bato at marmol? Ang Pilipinas ay tulog at tuluyan nang nabulag sa kapayapaang minsang ipinatikim. Ang panahon na kung saan ang bansa ay nakagapos ay tapos na. Ang hamon ng kasalukuyan ay kung paano lampasan ang madilim na gubat kung saan tayo ibinaba ng mga mananakop. Ang problema ay hindi nagtatapos sa kalayaan lamang. Kailan kaya darating ang mga bayaning nakatakdang umupo upang ihatid tayo sa kabilang dako ng kapalaran?
Rizal Park. Ang pook na kinatatayuan ng respetadong monumento ng tanyag na si Jose Rizal. Siya ay ang pambansang bayani ng Pilipinas. Hanggang ngayon ang lugar na ito ay protektado ng mga kabalyerong nagtataglay ng paghanga sa pambansang bayani. Hanggang ngayon ang mga pilipino ay tumitingala sa kabayanihan ni Rizal at maging ng buong mundo. Gaano kaya niya kamahal ang bansang kanyang sinilangan, ano kaya ang mundong kanyang nakikita matapos ang sandaang-taon; ang Pilipinas, pagkatapos makamit ang inaaasam na kalayaan, ano kaya ang kanyang saloobin sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa?
Makasarili ang mga tao. Ang pag-aaral upang makaahon sa kahirapan, ang pagtatrabaho upang makakain ng tatlong beses sa isang araw, at ang paggawa para sa pamilya. Makasarili ang mga pananaw na ito sapagkat nababakas dito ang kahirapan na nagpapakita na sila ay sumuko na sa paniniwala na ang pamahalaan ay tutulong sa kanila.Ang hamon sa bawat Pilipino ngayon ay ang umahon sa karagatang ang hindi lumangoy ay tatangayin. Napakasakit isipin na ang mga Pilipino ngayon na malaya na ay kumikilos nang walang pagkakaisa, na tila ba ang anyo ng bansa ay sumasalamin sa mga nilalaman nito. Nasaan na ang mga dugong tinataglay noon ng mga bayani na buo at nagbibigkis sa bawat isa? Ang dugong tumindig, lumaban at nagpunyagi? Nasaan na ang pamahalaang matibay na pinagkabit ang arkipelagong biniyayaan ng watak-watak na mga pulo?
Ang mga bayani ay may tunay na dugo ng nasyonalismo. Ang mga taong sinakripisyo ang sariling inters, kasiyahan, at ang kanyang buhay para ipaglaban ang karapatan at sa pinapangarap na kaunlaran ng mga Pilipino noon pang panahon ng pananakop. Ano nga ba ang kaunlaran na tila ba isang mailap na ibong malayang nakakapamuhay sa himpapawid na tinitingala ng lahat? Ang tunay na kaunlaran ay hindi nasusukat sa ekonomiya ng bansa. Ang kaunlaran ay isang ideyal na lugar kung saan ang bawat paghihirap ng mga tao ay nararamdaman at nakapagdudulot ng matiwasay na pamumuhay para sa bawat isa sa atin. Ang ekonomiya ay isa lamang batayan kung paano umiikot ang pera sa bansa. Isang batayan kung sapat ba ang mga pinagkukunang-yaman para sa pangangailangan ng bawat isa. Hindi ba’t kung ang bawat isa sa atin ay gumagalaw na tila ba ang tanging rason ay ang pag-abante ng Pilipinas ay maituturing na pagkakaisa? Walang anumang kakulangan sa pagkain at yaman ang Pilipinas, dahil tayo ay nabiyayaan ng isang napakayamang bansa. Ang mga pinagkukunang-yaman ay lubos pa para sa ating pangangailangan. Ngunit bakit mayroon paring mga taong nagugutom, naghihirap? Dahil walang pagbibigayan.
Sa tao, ang lahi ay isang ilusyon lamang sapagkat ang bawat isang taong humihinga, nabubuhay ay nakakaranas ng pantay na ikot ng mundo at nakatapak sa iisang planeta. Walang superyor o inperyor. Ang lahat ng nangyari sa kasaysayan ay nagpapakita na ang malalakas ay nananatiling nakatayo at ang mahina ay bumubulusok sa anino ng malalakas. Sino ang mabuti at sino ang masama? Hindi ba’t maituturing na natin na tayo rin ay gaya lamang sa mga mananakop na sakim sa kayamanan at kapangyarihan? Na noong nakalaya na ang Pilipinas at natikman ang hangin na kanilang pinag-aagawan ay siya ring ating pinaglalabanan? Ang mga tao ay hindi diyos, tayo rin ay nadadala sa mga kadilimang bumabalot sa mundong ito. Ngunit hindi ito dahilan upang magpatalo, ang pagmamahal sa lupaing sinilangan ang magdadala sa atin sa kaunlaran. Ang pagmamahal na isusuko ang lahat para sa bansa. Ang pagmamahal na tinataglay lamang ng isang bayani.
Pilipinas. Ang Perlas ng Dagat Silangan. Ang kandungan ng mga agilang gutom sa hangin ng kalayaan. Ang mga agilang minsan nang pinutulan ng pakpak. Ngunit sa pagbukas ng kulungan na ating pinaggagapusan, ang bansa ay nananatiling musmos sa kabila ng ilang daang tanong pagkakahimlay. Nalilito, naliligaw. Isang batang uupo na lamang at dadaing sa nararamdamang kagutuman. Nagtataglay ng isang katawan na may pagkapayat at madumi. Pinuno ng peklat at mga sugat na magmamarka sa kasaysayan. Madilim ang gubat na kanyang kinabibilangan, at siya ay pinagpipiyestahan ng mga insektong sakim at gutom sa kayamanan ng batang ulila. Siya ay umiiyak sapagkat siya’y ulila na inabandona ng mga mga taong kanyang inaruga. Dahil ang mga taong iyon ay sumuko na nang tuluyan at nagsimula na ng landas na kung saan siya ay hindi kabilang. Ngayon siya ay naghihingalo na. Pilit na inaabot ang araw na noon ay kanyang sinisimbolo. Ang walong sinag na nakatanim sa watawat na nagbibigkis sa mahigit sa pitong libong kapuluan sa arkipelago. Nang dahil sa kahirapan, ang mga matatapang at magigiting na mga Pilipino ay napalitan ng mga itim na kaluluwa ng kasakiman at kawalan.
Kahirapan. Isang penomena na nagdurugtong sa bawat daing ng pamilyang Pilipino. Ang sumpang naging ugat ng korapsyon. Ito man ay hadlang sa kaunlaran, ang tunay na problema ay hindi ito. Ano nga ba ang tunay nating kalaban? Ito ba ay pera? Kahirapan? Katamaran? Hindi man natin ito pansin, ang ating kinakaharap ay kaharap na mismo ng bawat isa sa atin. Ang imaheng nagtatago sa likod ng ating panlabas na kaanyuan sa ating pagtitig sa salamin. Lahat tayo ay nagkamali. Minsa’y hinangad din natin ang kaginhawaan, at dahil dito, nakalimutan na natin ang kalagayan ng mga nakapaligid sa atin. Ang pambansang awit at ang panatang makabayan na paulit-ulit nating binabanggit at sinasambit ay tuluyan nang nawawalan ng esensya sa patuloy na pag-usad ng panahon. Ang nakakalungkot pa ay ang pamahalaan na may tungkuling pagisahin ang mga Pilipino ay siya pang unti-unting bumubulusok at napapalitan ng mga kinatawan na may angking kapangyarihan at katanyagan. Ito na ngayon ang batayan sa pagpili sa uupo sa trono. Sino ba ang tama at sino ang mali? Kung ang mga lider na hindi karapat-dapat ay ibinoto ng karamihan ng namili?
Minahal ng mga bayani ang lupain na ating tinutungtungan, at ito ang nagtulak sa kanila na lumaban sa mga banyaga. Ang kanilang hinihiling ay kalayaan. Sa pagtapos ng ilang daang taon, ang kalayaan ay napasakamay na natin. Ngunit ano nga ba ang bansa pagkatapos ng kalayaan? Ito ba ay isang bansang masigla nababakas sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan na naging kapalit ng bawat dugo na dumanak sa nakaraan, tulad ng kanilang hinahangad? Ang larawan ba mula sa itaas ay nagpapakita na sila ay nagtagumpay? Monumento, larawan, mga dokumento at kung anu-ano pang pagpupugay sa mga nakalipas na mga bayani. Bakit nga ba sinayang ang kanilang ipinaglaban at binalewala ang pagkamaka-bayan? Kailangan pa ba natin ng mga mananakop upang maipakita sa buong mundo ang pagmamahal sa lupaing kanilang ipinaglaban?
Bayani. Isang titulong ibinigay sa mga taong hinahangaan dahil sa kanilang kontribusyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Sila ang mga bayaning sumigaw at lumaban. Mga sigaw na nagbigay ng malakas na daloy sa mga ugat ng bawat isang Pilipino. Mga bayani noon na naging simbolo ng pag-asa. Mga bayaning nawalan ng pag-asa. Ito ang maipapangalan sa mga bayani ng kasalukuyan. Kung saan ang kanilang kinakalaban ay ang mga nasa taas at parte ng iisang lahi. Tahimik. Nakabibingi ang katahimikan. Ang mga sigaw ng mga bayaning ito ay hindi napariringgan. Isinara ang tenga sa mga sigaw at patuloy na pagpapatahimik sa mga lumalaban. Dumadaing, umiiyak. Mga sigaw na maririnig sa mga Pilipinong naghihirap. Ang mukha na iniwan ng mga nakaupo’t takip ang mata. Isang bansang ang hustisya ay nasa kamay ng may pera. Ang ilusyon na nagpapakita ng kawalan ng pag-asa, at isang karatulang nagsasabing, “Huwag na kayong lumaban pa.”
“Mahal ko ang Pilipinas”, kailan kaya maririnig muli’t maipapakita. Ang bansang binalot ng kahihiyan, mayaman nga’t wala namang alam. Isang bansang ang yaman ay may nagmamay-ari, sambit sumpa, ang kaunlaran ay mamaya na. Sa pamantayan ng aking bayani, ay isang taong matuwid at papalit sa mga kasamaan ng nasa itaas. Isang taong may pagmamahal sa kalayaan at nasasakupan. Isang lider na diringgin ang mga hinaing hanggang sa katahimikan. Isang simbolo ng pag-asa na sa ating pagkakaisa, ang bukas ay maaabot pagkatapos ng paghihirap at pagtutulungan. Isang Pilipinong tulad lang rin ng bawat isa sa atin, may pangarap at pagpapahalaga. Isang Pilipinong ang pagmamahal sa bansa ay naiiba, taas noong isisigaw na siya ay Pilipino at mahal ang bansang kinabibilangan niya. Isang bayaning magbabago sa kasalukuyan. Ang bayaning hinihintay at inaabangan. Kailan ka kaya darating, bayaning may hawak ng pag-asa ng bawat Pilipinong sumisigaw, dumadaing?